Picture
First, I apologize to those who don't understand the language I used in this story. It's more fascinating if I do it in my local dialect, more dramatic! :-)

10:30 ng gabi ng umalis kami puntang Banaue from Manila sakay ng Florida bus. Namputsa!... Tama ang nabasa ko sa mga blogs, para kaming isdang binebyahe papuntang palengke…frozen! Sobrang lamig sa loob ng bus. Merong di nakatulog pero ako naghihilik pa daw sabi ng katabi ko! May dala kasi akong blanket at pagod pa kasi kabababa lang eroplano ko galing LA, jetlag pa!

Medyo sumisikat na ang araw ng magising ako pero mas minabuti ko pang ipikit na ulit ang mata ko kasi para akong hinihila sa mga bangin na nakikita ko habang tumatakbo ang bus. Bilib ako sa driver, walang kahulog-hulog, nakarating kami sa Banaue saktong alas syete ng umaga, buhay pa! hehehe

Pagdating sa bus stop, hanap kami sasakyan papuntang “Saddle” kung saan magsisimula ang aming penitensya..maglalakad kami ng mga isang oras para marating yung Batad Village. Dun mo makikita ang pinakamagandang hayop err rice terraces pala...sa balat ng lupa.

Sa wakas, natapos din ang negosasyon sa bayad sa sasakyan namin. Php2500. May kasabay kaming mga kastilaloy. Malas naman, poquito lang ang alam kong espanyol. Sila naman walang alam na ingles..lalo na tagalog..So, senyasan na lang kaming mag-usap! Hati sa bayad. dibay dibay yung Php2500 sa siyam. 4 na  kastila, 5 ang pinoy. Lamang kami kung sinubukan nilang sakupin ulit ang 'pinas...hehehe

9AM ng mag-umpisa kaming mag-trekking kasama yung nephew nung may-ari ng tutuluyan naming inn, Hillside. Alam nya na darating kami kaya inabangan na kami sa “Saddle”. Di naman nakakapagod ang maglakad, ganda view eh tapos masaya pa! Dapat lang talaga wala kang masyadong dala para mas mabilis ang lakad. Yung isang kasama ko ang daming bilbil na dala. Ako naman beer belly ko ayaw paiwan! Yung tatlong bagets na kasama namin, ang bilis maglakad!

Ay sa wakas, narating din naming ang inn na aming tutuluyan. Gutom na kaya paluto agad ng tinolang manok at konting pahinga bago tahakin ang Tappiya Falls. Mga isang oras na lakarin na naman yun! Madali lang naman kasi pababa at dadaan ka sa rice terraces mismo. Nakita mo ba sa pics? Ang taas ng waterfalls, naligo kami! Sarap ng tubig eh tapos ang dami pang forein-ger, naliligo din na naka-2 piece pa!

Eto na ang masakit Kuya Eddie! Ang pabalik. Kasi pa-akyat! Di ko matandaan kung ilanmpung beses kong isinumpa kunwari! Hahaha…isang malaking pagsubok talaga! Mahigit 2 hours din kami bago kami nakabalik sa inn. Lahat ng makasalubong namin, laging tanong, malapit na ba ang falls? I-isa lang naman ang sagot naming…Oo, malapit na! Pero iba ang ibig sabihin. Malapit na kaming tumawag ng ambulansya sa sobrang pagod. Halos gumapang na kami eh…hehehe Tapos biglang may sumabog! Sabi nung tour guide namin, dynamite daw sa mining. Ahhh ok!

Kinabukasan, byahe naman kami pa-puntang Sagada. Nakita agad namin yung lodge na aming nireserba. Very kulay-ful eh! Maganda at malapit sa lahat, may hot water pa! Sama-sama na lang kaming lima sa isang kwarto…patong-patong...not! hehehe...Php200 a night!

Nag-lunch kami sa Yoghurt House…da best-est! Oks ang food and atmosphere ng place…di ka mapapahiya kung may ka-date ka! Tapos lakad-lakad after lunch. Syempre, may kodakang kasama! Punta sa munisipyo para mag-inquire about caving. 

Nagpa-register na din kami para sure na ma-identify ang body, just in case ...hehehe… 

After a short rest, spelunking na! Sinilip muna namin yung hanging coffins. Umuulan na ng makarating kami sa entrance ng kweba. Ang super dilim! Nakakatakot sa umpisa pero pag andun ka na sa kaloob-looban at nahawakan mo na ang dumi ng mga bats, mawawala na ang takot kasi baho na ang nasa isip at ilong mo! Hahaha….pero mahuhugasan naman sa malamig at malinaw na tubig na palagi mong lulusungan.

Exciting ang caving! Lalo na pag nakita mo na yung mga ibat-ibang rock formations. Just use your imagination ika nga! See for yourself…tapos kalog pa yung guide namin! Pinagapang ba naman kasi sa pagitan ng dalawang bato na may tubig pa. Yun pala may mas madaling daan papunta sa kabila!

May parte pa na aakyat kami gamit ang lubid na pag-nakabitaw ka ay tubig ang babagsakan na malalim daw sabi ni guide. Sa awa ni Bathala, dalawang beses nahulog yung isang kasamahan namin. Ayun, buhay pa naman kasi di naman pala malalim yung tubig. Hanggang waist lang! Loko talaga ‘tong si Satur guide!

Mga 2 hours din kaming nawala sa sarili! Nasa loob kasi kami ng kweba na super ang ganda! Wag kayong magugulat kung mapanood nyo kami sa Kapamilya station. Na-interview pa kasi yung dalawang kasama naming sa gitna ng aming spelunking.

Natapos ang caving na hindi naman masyadong madugo! Konting galos lang sa tuhod ang natamo at konting baho..hehehe. Masayang-masaya kami pabalik sa lodge para mag-shower kasi na-conquer naming ang mahiwagang kweba. Syempre pa, dinner kami sa fav restau. Sarap talaga lalo na yung famous yoghurt na may banana. Nag-SanMig kami after dinner. Isang bote lang..pampa-antok!

Tulog pa ang mga anghel at madre ng gumising ako at maglakad sa kalye dala ko ang aking camera. Napasok ko yung magandang simbahan! Nakipag-kwentuhan din ako sa mga ale na nagtitinda ng suman. Lakad-lakad lang kung saan saan…exercise na rin!

Pagbalik ko sa lodge, gising na ang mga anghel…nakapaligo at ready na mag-lakwatsa! Kaso alanganin ng magpunta sa Bomod-ok Falls na gusto kong makita sana so nag-desisyon na lang kaming sumakay ng bus after breakfast papuntang Baguio. Dun kami dadaan pabalik sa Pulilan.

Takbo ang bus sa Helsema Highway. Spectacular views! Yan ang road project ni GMA na bibisitahin nya kasama yung bumagsak na chopper. Sayang, di nakasama si GMA....hehehe..joke lang! 

Pero ang project na yun, Ok na ok pag natapos. Mas magiging madali ang byaheng Baguio/Sagada. Walang AC ang bus pero ok lang, di naman mainit kasi bundok. Kain ng balut along the way…pampalakas ng tuhod!

Nakarating kami sa Baguio after 6hours yata. Nagpa-book agad ng byaheng Maynila. Super deluxe ang sinakyan namin. Non-stop na, may pa-meryenda pa! Apat na oras at kalahati nasa Pasay ka. 2 seats on the left side, single seat sa right side! May CR, pwede ka pang humiga kung inaantok. First time kong nasakay sa ganung bus dito sa ‘pinas. 

Extra-special! Php700 ang bus fare. Soooo relaxing naman ang byahe. 

Dito natatapos ang kwento ko ng 3days2nights na di malilimutan sa Batad at Sagada. Sayang, di kayo kasama! Pero di bale, enjoy nyo na lang ang mga pictures. Ma-feel nyo rin ang adventure namin. Siguro sa susunod, kasama na kayo. You will not regret it…

I promise!!!
mark s.
8/25/2011 10:59:56 pm

nice pics! cant understand the language but pictures tells the real story. beautiful.

Reply
edi
8/26/2011 12:06:51 am

thanks mark!

Reply
lil
8/29/2011 12:23:18 pm

i'm totally out of words. great job again, my dear amigo!

Reply
edi
8/30/2011 10:56:46 pm

thanks lil!

got thousands of my travel pictures stored in my hard drive. i might as well make some use of them.

spread the world...share the link...promote tourism in the Philippines!

Reply
1/27/2012 05:28:48 am

will come back before long

Reply
1/28/2012 12:35:51 pm

Thanks for details

Reply
3/28/2012 01:24:08 am

will return soon

Reply
5/9/2012 06:11:14 am

nice post

Reply
6/23/2012 09:46:39 am

Great blog, enjoyed browsing through the site

Reply
7/13/2012 09:53:08 am

THX for info

Reply
Narita
10/28/2013 02:20:02 pm

You are a fab storyteller! I was ROFL :)

Reply



Leave a Reply.

    For your travel needs, please call:

    Picture
    Phone:  (818) 988-9284
    Fax: (818) 988-6996
    15132 Ventura Boulevard
    Sherman Oaks CA 91403
    info@coasttravelservices.com

    Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

    Author

    Traveler.Photographer.Lover. 
    In no particular order.

    Categories

    All
    Arizona
    Batad
    Cebu
    Grand Canyon
    Hollywood
    Marinduque
    Maryland
    Niagara Falls
    Palawan
    Pennsylvania
    Pulag
    Pulilan
    Red Rocks
    Sagada
    Sedona
    Usa
    Washington Dc